Isang pahina para sa nararamdaman, naiisip, gunita at pangarap ng isang di kasikatang boldstar
Sabado, Oktubre 13, 2012
Para kay Congressman ng Anthro
Lagi kitang tinititigan sa klase
Maski anlaki ng room ng museo
Laging hinuhuli ng mukha mo
Ang mga mata ko, parang magnet
Parang paborito kung pelikula
Mga pelikula ni Nora , ni Meryl Streep
At Julie Andrews, naka-concentrate ako
Sa kabuan mo, maski sa suot mo
Lalo na sa mata mung nakakubli
Sa salamin at sa pantaas mo na
Laging naka tuck-in,At maski sa
Paa mo nang minsang bumaha
Na nagtsinelas ka, tanda ko pa
Minsan nahuhuli mo ako
Nakatanga sayo, iiwas naman ako
Siguro natatawa ka, o baka naiiling
Antagal din, halos apat na buwan
Kanina tinitigan kita ng matagal
Habang tumitipa ka ng exam mo
Matagal na matagal, kasi huli na
Huling sabado na makikita kita
Maninibago ang paningin ko
Walang tititigan mula alas- nuebe
Haggang alas- dose,maulit pa kaya
Kasi di ko alam kung kailan ulit
Kailan kita ulit makikita, matitigigan
Ng matagal, pag nakasalubong kita
Ulit sa pamantasan, mabilis na lang siguro
Ang pagdapo ng mata ko sa iyo
O baka hindi na, baka nasa Sunken ka
Ako kasi nasa sa Hardin lang ng Diwata
Baka di na magtagpo, mata ko at mukha mo
PostScript
Pag nagkita tayo ulit,Sana ligawan mo ako
Ipaglalaba ko kayo ng mga magulang mo
Maski magkargador, mag kariada pa ako
Dedma, deskin lang, basta maging tayo
Wag kang tatawa, ngingiti, hindi ito charo
Walang biro peksman, trulagen, totoo
Kalokah ha, baklang- bakla itong post na to hahaha
Mga etiketa:
anthro,
congressman,
meng borromeo cristobal,
meng cristobal,
pag-ibig
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento