Sabado, Oktubre 13, 2012

Para kay Congressman ng Anthro



Lagi kitang tinititigan sa klase
Maski anlaki ng room ng museo
Laging hinuhuli ng mukha mo
Ang mga mata ko, parang magnet
Parang paborito kung pelikula
Mga pelikula ni Nora , ni Meryl Streep
At Julie Andrews, naka-concentrate ako
Sa kabuan mo, maski sa suot mo
Lalo na sa mata mung nakakubli
Sa salamin at sa pantaas mo na
Laging naka tuck-in,At maski sa
Paa mo nang minsang bumaha
Na nagtsinelas ka, tanda ko pa
Minsan nahuhuli mo ako
Nakatanga sayo, iiwas naman ako
Siguro natatawa ka, o baka naiiling
Antagal din, halos apat na buwan
Kanina tinitigan kita ng matagal
Habang tumitipa ka ng exam mo
Matagal na matagal, kasi huli na
Huling sabado na makikita kita 
Maninibago ang paningin ko
Walang tititigan mula alas- nuebe
Haggang alas- dose,maulit pa kaya
Kasi di ko alam kung kailan ulit
Kailan kita ulit makikita, matitigigan
Ng matagal, pag nakasalubong kita
Ulit sa pamantasan, mabilis na lang siguro
Ang pagdapo ng mata ko sa iyo
O baka hindi na, baka nasa Sunken ka
Ako kasi nasa sa Hardin lang ng Diwata
Baka di na magtagpo,  mata ko at mukha mo


PostScript

Pag nagkita tayo ulit,Sana ligawan mo ako
Ipaglalaba ko kayo ng mga magulang mo 
Maski magkargador, mag kariada pa ako
Dedma, deskin lang, basta maging tayo
Wag kang tatawa, ngingiti, hindi ito charo
Walang biro peksman, trulagen, totoo


Kalokah ha, baklang- bakla itong post na to hahaha

5-7-5 at 7-5-7 no more,modern 7-7-7-7 haiku-haikuhan

7-7-7-7

Mga  haiku na isinulat ko sa aking notebook noong 2002.
Nakakalokah ang laman :) Modern daw ito, may 28 na tumbling. Di ko nga alam kung maituturing nga itong haiku, Hay nakuhhhhhh dedskin na kay haiko melendes :)


Haiku ng Aswang, Bampira, Paniki at kung ano -ano pang nakikita pag madilim na sa labas.Kasama na diyan ang mga mujeres publicas at hombres publicos kems.


Kaibigan ang dilim
Paborito ang itim
Hintay kat takipsilim
Parating na ang lagim

--------------------------------------
Iginuhit sa tula
Damdamin at gunita
Mula sa pagkabata
Hanggang ngayong pagtanda

---------------------------------------
Maganda ang bituin
Parang sa Anito Inn
Glowing in the dark, may dim
Sa wall , music mo'y pipe in

Dahil hindi na motel ngayon ang Anito, tribute ko na lang ito sa kanila para sa serberyo nila noon sa mga lalaki't babae na may mainit na pangangailangan.

-------------------------------------------------------

Pagod na ang body ko
Sa maghapong trabaho
Imbyerna ang beauty ko
Sa lurkeng serbisyo
--------------------------------------------------------

Sumigaw nga nanay
Nagwala mga tatay
Naiinip sa pag-antay
Teleserye ni Juday

Ang isang ito ang ay para sa teleserye ni Juday at Piolo noong 2002 .Kalurks


Lunes, Oktubre 1, 2012

EX




Paikot-Ikot ikot ikot
Ang likot-likot-likot
Gayuma may iturok
Iiwas hanggang itutok

Babarahan ko ang posible
Iiwasan ko  ng doble-doble
Gagapasin dahil dyahe
Ekis,erase-erase di pwede
Kasakit-sakit-sakit ,mainit
Inaapoy, sumasagitsitsagitsit
Sawing-sawi kakandirit


Lunes, Setyembre 24, 2012

Isang tula para kay Ka Mena ng Estero de San Miguel




Para kay Ka Mena Cinco, lider at ina na pinanday ng panahon


Winasak ng piko
Ang matigas na kiho
bato ‘y nadurog  
Lumiit naging pino
Kinimpal ng kamay
Tila lupa,hinaplos
Sinuyo, kinatas, binuno
Iniinit sa apoy
Tinunaw, niluto
Pinalamig ng tubig
Ang hangin ang nagtuyo
Hinampas ng maso  
Pagkaraa'y dinibuho
Ngayon sandata’y nabuo

Linggo, Setyembre 23, 2012

Sabado, Setyembre 22, 2012



Ang buhay ko pa rin ba ay parang coke?
Husto pero kulang, puno pero bula ang laman?

Makapagtubig na nga lang

Ang Royalty sa Kalye





Beep beep ,beep ang sabi ng tsuper ng jeepney
Beep beep ,beep tabi kayo baka kayo maiipit
Beep beep ,beep dadalhin ko kayo kahit saan
Beep beep ,beep dalian ninyo hindi pa ako na nanghalian
Sakay na kayo kahit hanggang kanto


Yan ay bahagi ng lyrics ng awiting Beep Beep Beep ng bandang Juan dela Cruz, nagpapatunay na
talagang bigatin ang jeep sa kalye ng bansa.Wala pa akong kilalang tao na di pa nakasasakay sa
jeep, kilalang-kilala ang ito bilang isa sa mga pinakasikat na mode of transportation lalo na sa
Maynila kung saan siya ang naghahari,minsan ay nahahariharian.At kagaya ng pinadugtong-
dugtong niyang mga ruta,malayo na ang kanyang itinakbo, mahaba na ang kanyang kasaysayan at
matagal na ang kanyang partnership sa masang Pilipino.

Ang Jeepney  ay mula sa pinagsamang jeep at jitney ay isa sa katunayan ng pagiging maparaan  at
malikhain ng mga Pilipino, mula sa dating mga military jeeps ng mga Amerikano noong World War
II, kinumpuni ito ng mga Pilipino ay ginawang pampasahero. Ang dating pang animang sasakyan at
naging pang labing-dalawa, pahaba ng pahaba hanngang pang labing-walo , padami ng padami at
hanggang nauso ang de aircon na pang limampu’t anim. Sinasabing ito ay simbolo ng kultura ng
mga Pilipino, ang mga artwork sa labas at loob ng jeep ay pinoy na pinoy,makulay, Masaya, may
krus nagpapatunay ng pagiging maka Diyos natin. Sinasabi ding sasakyan ito ng masa ,ginamit pa
nga ng isang pangulo para sa kanyang pangangampanya at plataporma ngunit gaya ng ilang jeepney
na minsan ay nabubutasan ng gulong, hindi rin ito nakarating sa pangakong destinasyon. Sinasabi
din na ito ang pantapat sa kawalan ng car manufacturing sa bansa, ng magbukas ang Sarao Motors
nagalak ang mga Pilipino dahil sa waks kaya na nating gumawa n gating sariling sasakyan at sa
kasamaang palad nagsarado ang kompanya.

Kung ang jeep ay isang repleksyon ng kultura, gayon din naman ang mga kilos at gawi ng mga
Pilipino sa pagsakay at pagupo sa loob ng jeepney. Sa maliit namundo na iyon ay makikita ang
pagtutulungan ng mga pasahero sa pagaabot ng bayad at pag nasa terminal pila-pila at hindi uusad
ang jeep pag kulang maski isa. Pero hindi laging Masaya at fiesta mode, pag madaming nagaabang
madalas ang tulakan at balyahan para makasakay lang, mayroon ding parang nabili ang buong jeep
dahil sa napakalawak na pagkakabukaka sa upuan. Mayroon ding sumisingit sa pila at mayroon
ding nandadaya sa bayad , may tsuper na masungit at mali-mali ang pagsusukli  at parang pusang
siyam ang buhay pag kumaripas ng patakbo. May mga sabit din na walang pakialam sa panganib
basta makarating sa pupuntahan. May mga jeepney ding nahambalang sa daraanan ng ibang
sasakyan na nagdudulot ng matinding traffic at pasaherong problema sa mga may katabaang katulad
ko kasi ayaw umusod.

Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Hatihati dahil masyadong masikip ang upuan
At kung iyong kausapin, ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan, umusog lang, umusog ng konti

Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan
Sakali mang mayron kang napapansin, sabihin lang
At kung makatuwiran ako'y uusog din kahit konti

Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo
Iba't iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag magtulakan

O kayraming suliranin, oras-oras dumarating
Dahil di kayang lutasin hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin, iisa ang dahilan
Kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti

Hindi naman buong-buo

O kayraming suliranin

At kung iyong kausapin, ang kadalasang dahilan
Kaibigan, ayaw n'yo lang umusog ng kahit konti


Ito ang awiting isnulat ni Gary Granada at inawit naman ni Florante sa Metro Pop noong 1981,
napakasimple lang sana kung ang buhay ay parang pagsakay sa jeep at lahat ay  handang
umusog. Siya nga pala may Electric Jeepney na,  kaya lang nakita ko sa UP nakatambak, walang
preno, nabubulok.Uusog na lang ako ng kahit unti at bubuntong hininga.