Beep beep
,beep ang sabi ng tsuper ng jeepney
Beep beep
,beep tabi kayo baka kayo maiipit
Beep beep ,beep dadalhin ko kayo kahit saan
Beep beep ,beep dalian ninyo hindi pa ako na nanghalian
Sakay na kayo kahit hanggang kanto
Yan ay bahagi ng lyrics ng awiting Beep Beep
Beep ng bandang Juan dela Cruz, nagpapatunay na
talagang bigatin ang jeep sa kalye ng
bansa.Wala pa akong kilalang tao na di pa nakasasakay sa
jeep, kilalang-kilala ang ito
bilang isa sa mga pinakasikat na mode of transportation lalo na sa
Maynila
kung saan siya ang naghahari,minsan ay nahahariharian.At kagaya ng pinadugtong-
dugtong
niyang mga ruta,malayo na ang kanyang itinakbo, mahaba na ang kanyang
kasaysayan at
matagal
na ang kanyang partnership sa masang Pilipino.
Ang
Jeepney ay mula sa pinagsamang jeep at
jitney ay isa sa katunayan ng pagiging maparaan at
malikhain
ng mga Pilipino, mula sa dating mga military jeeps ng mga Amerikano noong World
War
II,
kinumpuni ito ng mga Pilipino ay ginawang pampasahero. Ang dating pang animang
sasakyan at
naging
pang labing-dalawa, pahaba ng pahaba hanngang pang labing-walo , padami ng
padami at
hanggang
nauso ang de aircon na pang limampu’t anim. Sinasabing ito ay simbolo ng
kultura ng
mga
Pilipino, ang mga artwork sa labas at loob ng jeep ay pinoy na pinoy,makulay,
Masaya, may
krus
nagpapatunay ng pagiging maka Diyos natin. Sinasabi ding sasakyan ito ng masa
,ginamit pa
nga
ng isang pangulo para sa kanyang pangangampanya at plataporma ngunit gaya ng
ilang jeepney
na
minsan ay nabubutasan ng gulong, hindi rin ito nakarating sa pangakong
destinasyon. Sinasabi
din
na ito ang pantapat sa kawalan ng car manufacturing sa bansa, ng magbukas ang
Sarao Motors
nagalak
ang mga Pilipino dahil sa waks kaya na nating gumawa n gating sariling sasakyan
at sa
kasamaang
palad nagsarado ang kompanya.
Kung ang jeep ay isang repleksyon ng kultura, gayon
din naman ang mga kilos at gawi ng mga
Pilipino sa pagsakay at pagupo sa loob ng jeepney.
Sa maliit namundo na iyon ay makikita ang
pagtutulungan ng mga pasahero sa pagaabot ng bayad
at pag nasa terminal pila-pila at hindi uusad
ang jeep pag kulang maski isa. Pero hindi laging
Masaya at fiesta mode, pag madaming nagaabang
madalas ang tulakan at balyahan para makasakay lang,
mayroon ding parang nabili ang buong jeep
dahil sa napakalawak na pagkakabukaka sa upuan. Mayroon
ding sumisingit sa pila at mayroon
ding nandadaya sa bayad , may tsuper na masungit at mali-mali
ang pagsusukli at parang pusang
siyam ang buhay pag kumaripas ng patakbo. May mga
sabit din na walang pakialam sa panganib
basta makarating sa pupuntahan. May mga jeepney ding
nahambalang sa daraanan ng ibang
sasakyan na nagdudulot ng matinding traffic at pasaherong
problema sa mga may katabaang katulad
ko kasi ayaw umusod.
Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Hatihati dahil masyadong masikip ang upuan
At kung iyong kausapin, ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan, umusog lang, umusog ng konti
Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan
Sakali mang mayron kang napapansin, sabihin lang
At kung makatuwiran ako'y uusog din kahit konti
Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo
Iba't iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag magtulakan
O kayraming suliranin, oras-oras dumarating
Dahil di kayang lutasin hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin, iisa ang dahilan
Kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti
Hindi naman buong-buo
O kayraming suliranin
At kung iyong kausapin, ang kadalasang dahilan
Kaibigan, ayaw n'yo lang umusog ng kahit konti
Ito ang awiting isnulat ni Gary Granada at inawit
naman ni Florante sa Metro Pop noong 1981,
napakasimple lang sana kung ang buhay ay parang
pagsakay sa jeep at lahat ay handang
umusog. Siya nga pala may Electric Jeepney na, kaya lang nakita ko sa UP nakatambak, walang
preno, nabubulok.Uusog na lang ako ng kahit unti at
bubuntong hininga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento