Bata
pa lang ako ay lagi na akong isinasama ng lola sa mga lamay. Minsan nagtataka
ako dahil maski hindi naming kamag-anak ay iiyak pa rin ang lola ng
pagkalas-lakas at maglilintanya ng mga bilin at
maramdaming mga salita at siguradong pag-uwi namin tatanungin ako ng mga
tiyo at tiya ko kung nag-dung-aw ba ang lola. Musmos at mababaw ang
kaalaman,tatawa lang ako.
Matagal na akong di
nakaririnig ng dung-aw at lagi kung hinihiling na wag na sana kahit kalian pa
kasi iba ang dulot nitong lungkot sa akin ng may malay na ako, ang pataas at pababang iyak-pasalita,
ang nakalulungkot na mga pag-alala sa namatay at nga luhang di
mampat-ampat.Nakapaghihina,maski pigilan ko naluluha rin ako pag may naririnig
akong dung-aw sa patay.Noong namatay ang tatay noong nakaraang taon walang
dung-aw at dir in ako naluha sa lamay maliban na lang kung ako ay nag-iisa na
sa isang pribadong espasyo. Nang mamatay ang lolo noonng nakaraan ding taon
wala din akong dung-aw na narinig kasi tulog ako sa buong maghapon at sa gabi
nama’y wala ng gaanong matatanda ang dumadalaw sa lamay. Nitong nakaraang
buwan, namatay ang isa sa mga uncle ko,natapos ang huling lamay wala kong
narinig na dung-aw hanggang sumapit ang libing,naglakad kami ng halos limang
kilometro papunta sa libingan sa bayan, nagpabasbas sa simbahan at habang inihahanda ang libingan at nagkaroon ng
huling pag-kakataong silipin ang yumao,dumating ang kinakatakutan ko,narinig ko
ang salit-salit, sunod-sunod na mga dung-aw mula sa ibat-ibang kamag-anak ko na
wari’y kulog na nangitla sa damdamin ko. Naluha ako muli marahil dala ng
lungkot at marahil nadala na naman ako ng mga dung-aw na narinig ko. Inilagay
na ang kumot, sapatos, kandila, posporo at pera sa kabaong, isinarado na at
itinawid na ang mga batang kamag-anak sa kabaong, paroo’t parito, bawal sumayad
ang ano mang bahagi ng katawan at natapos na ang ritwal, inihatid na sa kanyang
huling hantungan ang uncle.Pag-uwi sa bahay muling narinig ko ang pamilyar na
tono’t ritmo, may nagdudung-aw, may naluluksa, may umiiyak. At muli naluha ako.
Napakayaman ng kultura
ng Pilinas at isa sa mga nabuo sa pagunlad ng kalinangan ay ang kaugalian sa
paglilibing.Nakapanood ako ng pelikula ni Roderick Paulate,yung Ded na si Lolo.
Nakatatawa ang mga eksena,ang istorya na umikot sa libing ng kanilang ama ay
nilahukan ng madalas na pagkahimatay ng mga anak.Walang dung-aw pero halos
pareho din ang lahat ng kasabihan at mga pamahiin. Bawal maligo sa bahay, bawal
magwalis, bawal ang masabaw na ulam, bawal matuluan ng luha ang kabaong, bawal mag-pula
at kung ano-ano pang bawal.Hindi ko din alam kung saan nagsimula ang mga
kaugalian na ito,kung paano di ko din masagot kung sino ba ang iniiyakan ng mga
nakikiramay, ang kanilang sarili o ang namatay? Bago dumating ang mga kastila
sa bansa mayroon pang klasipikasyon ang pagluluksa sa mga kapuluan, mayrron
para sa lalaki ang maglahi, morotal naman para sa babae at pag ikaw ay datu
laraw naman ang tawag. Ngunit maski lumipas ang panahon at magbabo ang katawagan
lagi pa ring mayroong luha sa bawat libing at pagluluksa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento