Lunes, Setyembre 24, 2012

Isang tula para kay Ka Mena ng Estero de San Miguel




Para kay Ka Mena Cinco, lider at ina na pinanday ng panahon


Winasak ng piko
Ang matigas na kiho
bato ‘y nadurog  
Lumiit naging pino
Kinimpal ng kamay
Tila lupa,hinaplos
Sinuyo, kinatas, binuno
Iniinit sa apoy
Tinunaw, niluto
Pinalamig ng tubig
Ang hangin ang nagtuyo
Hinampas ng maso  
Pagkaraa'y dinibuho
Ngayon sandata’y nabuo

Linggo, Setyembre 23, 2012

Sabado, Setyembre 22, 2012



Ang buhay ko pa rin ba ay parang coke?
Husto pero kulang, puno pero bula ang laman?

Makapagtubig na nga lang

Ang Royalty sa Kalye





Beep beep ,beep ang sabi ng tsuper ng jeepney
Beep beep ,beep tabi kayo baka kayo maiipit
Beep beep ,beep dadalhin ko kayo kahit saan
Beep beep ,beep dalian ninyo hindi pa ako na nanghalian
Sakay na kayo kahit hanggang kanto


Yan ay bahagi ng lyrics ng awiting Beep Beep Beep ng bandang Juan dela Cruz, nagpapatunay na
talagang bigatin ang jeep sa kalye ng bansa.Wala pa akong kilalang tao na di pa nakasasakay sa
jeep, kilalang-kilala ang ito bilang isa sa mga pinakasikat na mode of transportation lalo na sa
Maynila kung saan siya ang naghahari,minsan ay nahahariharian.At kagaya ng pinadugtong-
dugtong niyang mga ruta,malayo na ang kanyang itinakbo, mahaba na ang kanyang kasaysayan at
matagal na ang kanyang partnership sa masang Pilipino.

Ang Jeepney  ay mula sa pinagsamang jeep at jitney ay isa sa katunayan ng pagiging maparaan  at
malikhain ng mga Pilipino, mula sa dating mga military jeeps ng mga Amerikano noong World War
II, kinumpuni ito ng mga Pilipino ay ginawang pampasahero. Ang dating pang animang sasakyan at
naging pang labing-dalawa, pahaba ng pahaba hanngang pang labing-walo , padami ng padami at
hanggang nauso ang de aircon na pang limampu’t anim. Sinasabing ito ay simbolo ng kultura ng
mga Pilipino, ang mga artwork sa labas at loob ng jeep ay pinoy na pinoy,makulay, Masaya, may
krus nagpapatunay ng pagiging maka Diyos natin. Sinasabi ding sasakyan ito ng masa ,ginamit pa
nga ng isang pangulo para sa kanyang pangangampanya at plataporma ngunit gaya ng ilang jeepney
na minsan ay nabubutasan ng gulong, hindi rin ito nakarating sa pangakong destinasyon. Sinasabi
din na ito ang pantapat sa kawalan ng car manufacturing sa bansa, ng magbukas ang Sarao Motors
nagalak ang mga Pilipino dahil sa waks kaya na nating gumawa n gating sariling sasakyan at sa
kasamaang palad nagsarado ang kompanya.

Kung ang jeep ay isang repleksyon ng kultura, gayon din naman ang mga kilos at gawi ng mga
Pilipino sa pagsakay at pagupo sa loob ng jeepney. Sa maliit namundo na iyon ay makikita ang
pagtutulungan ng mga pasahero sa pagaabot ng bayad at pag nasa terminal pila-pila at hindi uusad
ang jeep pag kulang maski isa. Pero hindi laging Masaya at fiesta mode, pag madaming nagaabang
madalas ang tulakan at balyahan para makasakay lang, mayroon ding parang nabili ang buong jeep
dahil sa napakalawak na pagkakabukaka sa upuan. Mayroon ding sumisingit sa pila at mayroon
ding nandadaya sa bayad , may tsuper na masungit at mali-mali ang pagsusukli  at parang pusang
siyam ang buhay pag kumaripas ng patakbo. May mga sabit din na walang pakialam sa panganib
basta makarating sa pupuntahan. May mga jeepney ding nahambalang sa daraanan ng ibang
sasakyan na nagdudulot ng matinding traffic at pasaherong problema sa mga may katabaang katulad
ko kasi ayaw umusod.

Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Hatihati dahil masyadong masikip ang upuan
At kung iyong kausapin, ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan, umusog lang, umusog ng konti

Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
Madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan
Sakali mang mayron kang napapansin, sabihin lang
At kung makatuwiran ako'y uusog din kahit konti

Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo
Iba't iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag magtulakan

O kayraming suliranin, oras-oras dumarating
Dahil di kayang lutasin hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin, iisa ang dahilan
Kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti

Hindi naman buong-buo

O kayraming suliranin

At kung iyong kausapin, ang kadalasang dahilan
Kaibigan, ayaw n'yo lang umusog ng kahit konti


Ito ang awiting isnulat ni Gary Granada at inawit naman ni Florante sa Metro Pop noong 1981,
napakasimple lang sana kung ang buhay ay parang pagsakay sa jeep at lahat ay  handang
umusog. Siya nga pala may Electric Jeepney na,  kaya lang nakita ko sa UP nakatambak, walang
preno, nabubulok.Uusog na lang ako ng kahit unti at bubuntong hininga.

Agdung-aw





Bata pa lang ako ay lagi na akong isinasama ng lola sa mga lamay. Minsan nagtataka ako dahil maski hindi naming kamag-anak ay iiyak pa rin ang lola ng pagkalas-lakas at maglilintanya ng mga bilin at  maramdaming mga salita at siguradong pag-uwi namin tatanungin ako ng mga tiyo at tiya ko kung nag-dung-aw ba ang lola. Musmos at mababaw ang kaalaman,tatawa lang ako.

Matagal na akong di nakaririnig ng dung-aw at lagi kung hinihiling na wag na sana kahit kalian pa kasi iba ang dulot nitong lungkot sa akin ng may malay  na ako, ang pataas at pababang iyak-pasalita, ang nakalulungkot na mga pag-alala sa namatay at nga luhang di mampat-ampat.Nakapaghihina,maski pigilan ko naluluha rin ako pag may naririnig akong dung-aw sa patay.Noong namatay ang tatay noong nakaraang taon walang dung-aw at dir in ako naluha sa lamay maliban na lang kung ako ay nag-iisa na sa isang pribadong espasyo. Nang mamatay ang lolo noonng nakaraan ding taon wala din akong dung-aw na narinig kasi tulog ako sa buong maghapon at sa gabi nama’y wala ng gaanong matatanda ang dumadalaw sa lamay. Nitong nakaraang buwan, namatay ang isa sa mga uncle ko,natapos ang huling lamay wala kong narinig na dung-aw hanggang sumapit ang libing,naglakad kami ng halos limang kilometro papunta sa libingan sa bayan, nagpabasbas sa simbahan at habang  inihahanda ang libingan at nagkaroon ng huling pag-kakataong silipin ang yumao,dumating ang kinakatakutan ko,narinig ko ang salit-salit, sunod-sunod na mga dung-aw mula sa ibat-ibang kamag-anak ko na wari’y kulog na nangitla sa damdamin ko. Naluha ako muli marahil dala ng lungkot at marahil nadala na naman ako ng mga dung-aw na narinig ko. Inilagay na ang kumot, sapatos, kandila, posporo at pera sa kabaong, isinarado na at itinawid na ang mga batang kamag-anak sa kabaong, paroo’t parito, bawal sumayad ang ano mang bahagi ng katawan at natapos na ang ritwal, inihatid na sa kanyang huling hantungan ang uncle.Pag-uwi sa bahay muling narinig ko ang pamilyar na tono’t ritmo, may nagdudung-aw, may naluluksa, may umiiyak. At muli naluha ako.
Napakayaman ng kultura ng Pilinas at isa sa mga nabuo sa pagunlad ng kalinangan ay ang kaugalian sa paglilibing.Nakapanood ako ng pelikula ni Roderick Paulate,yung Ded na si Lolo. Nakatatawa ang mga eksena,ang istorya na umikot sa libing ng kanilang ama ay nilahukan ng madalas na pagkahimatay ng mga anak.Walang dung-aw pero halos pareho din ang lahat ng kasabihan at mga pamahiin. Bawal maligo sa bahay, bawal magwalis, bawal ang masabaw na ulam, bawal matuluan ng luha ang kabaong, bawal mag-pula at kung ano-ano pang bawal.Hindi ko din alam kung saan nagsimula ang mga kaugalian na ito,kung paano di ko din masagot kung sino ba ang iniiyakan ng mga nakikiramay, ang kanilang sarili o ang namatay? Bago dumating ang mga kastila sa bansa mayroon pang klasipikasyon ang pagluluksa sa mga kapuluan, mayrron para sa lalaki ang maglahi, morotal naman para sa babae at pag ikaw ay datu laraw naman ang tawag. Ngunit maski lumipas ang panahon at magbabo ang katawagan lagi pa ring mayroong luha sa bawat libing at pagluluksa.

Tula noong Agosto,Napagod ang Bakla

Napapagod din ang baklang malaki
Nanamlay diwang pang-beauty queen na truly
Maski worldpeace and anti-poverty ang duty
Nanghihina din, nanabang , nalulurky
 Espasyo't salita
Tutula na ang bakla